
Mga Teorya ng Pagkahulog
- Followers
- Plays
S01E09: Hindi Na Niya Tayo Magagawang Saktan

Details
May isang uri ng kahibangan na natatanaw mo pa lang siya sa malayo, ni hindi mo pa nalalaman ang pangalan niya, ang nasa isip mo na agad, mahal ko na siya, siya na ang gusto mong makasama habambuhay. May ganitong kahibangan at may ganitong katotohanan. Subalit napakadali nating laging mahulog sa ganitong bitag, gayuma ng maganda at pag-asa na hindi natin nakikitang magwawakas sapagkat nasa sandali pa lamang tayo ng pangangarap masimulan. Hindi ko alam kung naiintindihan mo ang mga gusto kong sabihin pero heto, susubukin kong ipaliwanag kahit hindi ako sigurado kung naiintindihan ko rin ba talaga ito nang lubusan. Kung bakit malabo minsan ang nagmamahal: may mga araw na gusto kong mag-isa pero hindi ibig sabihin noon ay ayaw kitang laging kasama.
HIGHLY RECOMMENDED Dahil napag-usapan nang kaunti ang mga tula at malatula sa episode na ito, ipo-promote ko muna ang mga sarili kong libro ng tula, ang MASKARA'T PAMBATA: MALATULAMBUHAY [https://tinyurl.com/MaskaratPambata] na inilathala ng UST Publishing House at SAMANTALANG SAKOP AT INIIBIG [https://tinyurl.com/SamantalangSakopatIniibig] na inilathala naman ng Ateneo de Naga University Press.
DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.