Himalaya: Listen. Learn. Grow.

4.8K Ratings
Open In App
title

Mga Teorya ng Pagkahulog

Edgar Calabia Samar

Followers
Plays
Mga Teorya ng Pagkahulog
29 min2020 DEC 25
Play Episode
Comments
title

Details

Ang katakatayak, sukat / Makapagkati ng dagat. Mahalagang paalala ito mula sa isang matandang salawikain na walang dambuhalang anuman, kahit pa isang halimaw na pamahalaan, na di kayang pangibabawan ng hindi sumusukong mga mumunting paglaban. Kaya tuloy ang laban! Para saan ang lahat ng pagmamahal kung winawasak ang bayan ng mga halimaw na dambuhala at wala tayong ginagawa? Ikaw, hanggang ngayon, gusto kitang makilala dahil gusto kong malaman kung paano nangyaring minamahal kita kahit di kita lubusang kilala. Ang bilis ng kabig ko, ano, siguro’y dahil kailangan natin ng mga ganitong talon ng damdamin para manatiling naniniwala sa pag-ibig na totoo. Totoo ang pag-ibig na totoo pero ayaw mong maniwala dahil sa pag-iisip na himala lang makapaghahatid nito sa iyo.


HIGHLY RECOMMENDED Kung gusto ninyong basahin ang aking Janus Silang series, simulan ninyo sa unang aklat ng series, ang SI JANUS SILANG AT ANG TIYANAK NG TABON, na nanalo ng National Book Award noong 2014 bilang Best Novel in a Philippine Language. Narito ang link sa Lazada: https://tinyurl.com/TiyanakngTabon o sa Shopee: https://shp.ee/k7ww3y3. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.


DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.