Himalaya: Listen. Learn. Grow.

4.8K Ratings
Open In App
title

Mga Teorya ng Pagkahulog

Edgar Calabia Samar

Followers
Plays
Mga Teorya ng Pagkahulog
27 min2020 DEC 26
Play Episode
Comments
title

Details

Ang araw na pinakamahalaga para makapagsulat ay laging ngayon. Parang ang dali-daling sabihin nito kung hindi natin kailangang isipin muna kung buhay pa ba tayo maya-maya sa harap ng iba’t ibang anyo ng karahasan na ipinapataw sa mga naghihirap na nga at pinaghihirap pang lalo ng patong-patong na kawalang-katiyakan. Kung minsan, parang nag-aalangan ako sa mismong laya ko na makapagsulat pa rin sa araw-araw samantalang napakaraming dumaranas ng iba’t ibang anyo ng pagsupil para magawa lang makapagsabi ng nasa loob nila. Pero kailangan ko ring huminga nang malalim at isipin na baka sa ganito naman talaga ako may magagawa.


HIGHLY RECOMMENDED  Alam kong mahilig din kayong magbasa na tulad ko, at alam nating napakalaking tulong ng e-readers lalo na sa usapin ng portability at search capabilties. May Kindle Paperwhite na ako pero bumili pa rin ako ng Boox Nova 2 nang lumabas ito dahil 1) mas friendly ito sa PDF dahil mas malaki ang screen at puwede rin akong mag-annotate sa pages gamit ang sarili nitong pen; at 2) nagagamit ko ang Scribd app dito. Sobrang useful ng Scribd sa pag-access sa maraming libro, kahit Filipiniana! Naroon, halimbawa, ang Eight Muses of the Fall na salin sa Ingles ng nobela kong Walong Diwata ng Pagkahulog at iba pang librong Filipino. Simula nang binili ko ang Boox Nova, mas dumami na ang librong nababasa ko. Kaya naman, kung interesado kayo sa Boox Nova 2, narito ang links mula sa Lazada: https://tinyurl.com/OnyxBooxNova2 o Shopee: https://shp.ee/ik5f6ap. Kung gusto naman ninyong bumili ng mga aklat ng Santinakpan na naglathala ng MINAMAHAL ANG DINADALA MO SA PAGLISAN at bagong edisyon ng ISA NA NAMANG PAGTINGALA SA BUWAN, bisitahin lang ang http://edgarcsamar.com/santinakpan. O gusto ninyong maging patron ko rin at magkaroon ng access sa iba't ibang ongoing series, klase sa panitikan, at workshop sa pagsusulat, bisitahin lang ang http://www.patreon.com/ecsamar.


DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.