Himalaya: Listen. Learn. Grow.

4.8K Ratings
Open In App
title

Mga Teorya ng Pagkahulog

Edgar Calabia Samar

Followers
Plays
Mga Teorya ng Pagkahulog
32 min2020 DEC 27
Play Episode
Comments
title

Details

Hindi ko alam kung bakit parang nawawala ang tuon ko. Minsan, lumilipas ang mga oras sa maghapon na ang mismong pinag-iisipan ko na lang, itong pagkawala ng tuon na ito. O kung ano ba ang ibig sabihin ng tuon. Kung anong ibig sabihin ng nawawala. O ng parang. O ng kung bakit. At kung bakit hindi ko alam. Ano ba talaga ang alam ko? Kailan hindi ang mga bagay-bagay. Kailan hindi ang hindi. Kung mas madali bang magsimula sa hindi o sa hindi naman talaga hindi? Ano ang hindi hindi? Oo? Talaga? Talaga ba? Alin ang unang isinilang sa dalawa? Alin ang unang binigkas. Mas una bang pinangalan ang narito o ang wala rito? Ganito, ganito umiikot ang isip ko sa maraming araw nitong nagdaang mga araw, nitong mga nagdaang linggo, nitong mga nagdaang buwan. Para akong nakalutang—pero saan? Sa panibagong kawalan, kawalan ng mga ugnayan ng mga bagay-bagay at nitong mismong pag-iral. Ganito yata talaga kapag wala kang personal na kakilalang personal na nakikita nang ilang buwan na. Ilang buwan na, at ilang buwan pa ba? 


HIGHLY RECOMMENDED Binanggit ko sa mga nagdaang episode ang pagbabasa ko sa mga libro ni Yoko Ogawa na THE MEMORY POLICE [https://shp.ee/9x7jsb3] at REVENGE [https://shp.ee/9svc36j]. Pinakapaborito ko namang Murakami novel ang A WILD SHEEP CHASE [https://shp.ee/cafk6bj] [https://tinyurl.com/AWildSheepChase] dahil sa masinop at payak na paghawak sa ligalig dito at mainam na introduksiyon sa mga libro niya, sa palagay ko. Pero nakaimpluwensiya nang malaki sa mga una kong kuwento ang HARDBOILED WONDERLAND & THE END OF THE WORLD [https://shp.ee/u4dz8xj], lalo na nang sinulat ko ang maikling kuwento kong "Project: EYOD" na nanalo sa Palanca noong 2003. Subalit para sa higit na mga ambisyoso niyang proyekto, maaaring dumiretso sa KAFKA ON THE SHORE [https://shp.ee/tn7byvj] o THE WIND-UP BIRD CHRONICLE [https://shp.ee/tp54j63], na hinihintay ko pa ring maisalin nang buo sa Ingles.


DISCLAIMER: The views and opinions expressed by the podcast creators, hosts, and guests do not necessarily reflect the official policy and position of Podcast Network Asia. Any content provided by the people on the podcast are of their own opinion, and are not intended to malign any religion, ethnic group, club, organization, company, individual, or anyone or anything.