Pakinggan ang reincarnation ng tinig ni Kuya Dick sa katawan ng nag-iisang pambansang baklang kanal na si Inah Evans, also known as Ate Dick, isang influencer, content creator, at social activist. Sa episode na ‘to, mabibigyan ng panibagong kahulugan ang salitang baklang kanal at kung gaano ito kahalaga para kay Inah, bilang isang influencer na kinalakhan ang Maynila (at estero). Samahan niyo kaming magkuwentuhan tungkol sa career, diet, pag-ibig, at pag-inom–at kung paano nito nilalabas ang tunay nating nararamdaman. Ihanda na ang kanya-kanyang bote and listen up, yo!
BOOM! VROOM! Nakasama ulit natin ang isa sa mga pinakanakakatuwa at nakakatawang content creators of our generation, si Macoydubs! Ang kwentuhan namin sa episode na ‘to? Sasakyan. Bilang huge car enthusiast (na lingid sa kaalaman ng iba), humingi tayo ng advice kay Macoy: Ano’ng kailangang mga paghahanda at considerations ng isang first-time car buyer? Praktikal pa bang mag-kotse sa Pilipinas ngayon? Pa’no ba makamit ang dream car? Ano’ng tamang attitude ang dapat meron ang isang nagmamaneho? At ano’ng value at values ang naidudulot sa’tin ng pagiging car owner? Samahan at sabayan niyo kami sa roadtrip na laughtrip mala-Manda to CALAX and listen up, yo!
Sa episode na ‘to, alamin natin: What did it take to raise a Podcast Superstar? WIW! Nagbabalik sa pod, by popular demand, si Engr. Rene Sangalang a.k.a. Daddy! Sinakto namin sa Father’s Day na pagkwentuhan ang Buhay Tatay bilang magiging tatay tayo... I mean, ang marami sa atin, balang-araw. BOOM! Tungkol sa mainam na paghahanda at tamang mindset for fatherhood, happiest and saddest moments, pag-strike ng balance sa lahat ng aspekto ng buhay, at ang iba’t ibang mga sakripisyo, maliliit man o malalaki, na inaalay ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Hindi lang tuwing Father’s Day, kundi araw-araw nating ipinagdiriwang ang mga tumatayong ama sa buhay natin at ang walang pagod nilang pagkalinga. Listen up, yo!
Pasabog kung pasabog ang out-of-this-world episode, kasama ang model student, content creator, and child wonder na si Yani Villarosa. In fact, kung saan-saan umabot ang usapang Gen-Z namin: Atay at Corazon. Stupid Luv. Science High Schools. Get That Ball by Viva Hot Babes. UPLB. College Life. Work-Aral Balance. The Elephant In The Room. The Linya-Linya Experience. Kayo na’ng bahalang makinig para ma-gets niyo ang full Yani Experience. Listen up, yo!
Basa trip, ‘wag basag trip. Sa bagong segment na ‘to, magbabasa lang ako ng ilan sa mga akdang nagustuhan ko at gusto kong ibahagi sa inyo (tula man, short story, article, essay, speech o kung ano pang other forms of literature or writing). Ang nabunot kong libro sa shelf ko, isang koleksyon ng mga tula: Ang Pasipiko Sa Loob ng Aking Maleta ni Alwynn C. Javier. Mga Tula: Bachelor’s Pad How I Spent My Summer Vacation Martial Law Baby Listen up, yo!
‘Wag kang mabahala… dahil nakasama natin ang award-winning singer-songwriter, composer, and lyricist, at isa sa mga nangingibabaw na tinig at himig ng ating henerasyon– si Nica del Rosario. BOOM! Masayang kwentuhang musicians, este, magkaibigan– mula Jamaican Pattie bias at strategy sa pag-grocery; sa pagpasok nya sa mundo ng musiika at sa proseso nya sa songwriting; sa kung sino’ng kamukha ni Ali (si Sandro ba, o si Sarah G?); sa origin stories ng mga nasulat nyang Tala at Rosas; hanggang sa Pink movement at sa hindi malilimutang karanasan sa kampanya ni VP Leni Robredo. Sa bandang huli, umabot kami sa tanong ng marami: Liwanag pa rin ba ang mananaig? Handog namin ni Nica itong heart-warming at masinsing usapang musika at sining, kampanya at pag-asa. Listen up, yo! #LinyaLinyaXNicaDelRosario
“Pwedeng mapagod. Bawal Sumuko.” At hindi nga tayo sumukong ma-guest ang world-renowned mural artist, environmentalist, at social activist, at ito na nga sa wakas sa The Linya-Linya Show: Sir AG Saño – BOOM! Isang malaking karangalang maka-collaborate ang isang artist na inilaan ang buhay sa sining, sa kalikasan, at sa lansangan. Sa episode na ‘to, pinagmunihan namin ang tunay na power at impact ng art, kung pa’no nito binabahagi ang mga mensaheng, marahil, hindi sapat kung salita lang; ang mahalagang papel nito sa mga isyung pinahahalagahan at ipinaglalaban natin, kung pa’no ito nagsasalita para sa mga walang boses, at kung pa’no ito nagiging mapagpalayang daan tungo sa katotohanan. Kahit pagod, walang susuko sa pag-listen up, yo!
May mga nagsasabi-- this is the election of our lives. Maraming tumindig, ipinarinig ang tinig, tumaya; nagbuhos ng oras, enerhiya, talino, talento, at kahit sariling resources. Ngayon tapos na ang halalan, paano nga ba ipoproseso ang nararamdaman? Samahan niyo kami ni Doc Gia Sison na harapin at i-acknowledge, anuman itong samu't sari at naghalo-halo nang emosyon. Isang mahigpit na mahigpit na yakap sa lahat. This is a safe space, at nandito tayo para sa isa't isa. Sa totoo lang.
HALA-LAN! Kinakabahan ka na rin ba sa magiging resulta ng eleksyon? Hindi na maka-focus sa work at sa life? Huhu, samedt. Samahan niyo kami ng resident The Linya-Linya Show guest, friend, at dating kasamahan sa gobyerno na si Charles Tuvilla na labanan ang election anxiety at i-process ang thoughts and feelings sa mga nangyayari at mangyayari sa bansa. Panahon na nga ng pagpapasya. Ano'ng Pilipino at Pilipinas ang uusbong pagkatapos ng halalan? Listen up, yo.
Sa episode na 'to, nakasama natin ang isang alamat – multi-awarded screenwriter, playwright, journalist, at novelist– na ilang dekada nang nagtuturo at nagtatanim ng binhi para sa pagsibol ng mga bagong Pilipinong manunulat– walang iba, kundi si Ricky Lee. Bilang kinikilalang manunulat ng mga akda at kwentong tumatatak sa ating mga kamalayan at nagpapatibok sa ating mga puso, pinag-usapan namin ang pagusulat: Bakit siya nagsusulat? Sa aling mga pangyayari't karanasan nagmumula ang kanyang mga likha? At paano nga ba dapat natin harapin at yakapin ang mga damdamin natin, maganda man o hindi, para maabot kung sinumang nangangailangan ng ating mga salita (maging ang ating mga sarili)? Sama-sama tayong magpaligaw sa biyahe-- sa pasikot-sikot na eskinita ng buhay-pagsusulat at sa pagsusulat ng kani-kaniya nating mga buhay-- kasama ang nag-iisang Ricky Lee. Listen up, yo!